Presyo Patrol Buksan ang app →

Presyo ng gasolina, diesel at gaas ngayong linggo

Ito ang lingguhang price adjustment sa Pilipinas, base sa mga anunsyo ng oil companies at sa DOE Oil Monitor. Ina-update ang pahinang ito mula mismo sa database ng Presyo Patrol — walang lumang numero rito.

Estimate pa lang

Posibleng tumaas ang Diesel ng +₱3.99–₱4.00/L next week

Kung matuloy: Martes 6:00 AM. Abangan ang kumpirmasyon sa Lunes.

Effective Martes, 18 Agosto 2026, 6:00 AM
ProduktoGalaw kada litroStatus
Diesel+₱3.99–₱4.00/LEstimate pa lang
Gasolina+₱2.75–₱4.00/LEstimate pa lang
Kerosene+₱4.00/LEstimate pa lang

Tandaan: ang mga numerong ito ay galaw ng presyo, hindi ang presyo mismo sa pump. Iba-iba ang aktwal na presyo kada istasyon at kada lugar — ang adjustment ang pare-pareho, at iyon ang balita.

Magkano na ang itinaas ngayong 2026?

Ito ang pinagsama-samang galaw mula Enero. Ito ang numerong hinahanap kapag pakiramdam mo ay tumataas nang tumataas — at karaniwan, tama ang pakiramdam mo.

Kabuuang galaw kada litro mula Enero 2026, base sa DOE Oil Monitor
ProduktoNet mula EneroAdjustmentTaas / baba
Diesel+₱52.852617 / 9
Gasolina+₱51.322620 / 6
Kerosene+₱45.642615 / 11

Sa madaling salita: ₱52.85 kada litro na ang dagdag sa diesel mula noong Enero. Sa isang jeep na kumakarga ng 30 litro araw-araw, ₱1,585.50 iyon kada araw na hindi naman lumaki ang kita.

Paano gumagana ang lingguhang presyo ng langis

Hindi basta-basta nagbabago ang presyo ng gasolina sa Pilipinas. May ritmo ito, at halos pareho kada linggo:

  1. Huwebes hanggang Linggo — estimates. Ang basehan ay ang MOPS (Mean of Platts Singapore), ang benchmark na presyo ng refined fuel sa rehiyon natin. Kapag tumaas ang MOPS ngayong linggo, karaniwang sumusunod ang lokal na presyo sa susunod na linggo. Dito galing ang mga “expect ₱X.XX hike next week” na nababasa mo — estimate pa lang iyon.
  2. Lunes ng hapon — anunsyo. Inilalabas ng Petron, Shell, Caltex, Seaoil at iba pa ang aktwal nilang adjustment, kadalasan sa pagitan ng tanghali at alas-singko. Dito nagiging kumpirmado ang numero.
  3. Martes 6:00 AM — effective. Ito ang oras na iba na ang nasa pump. Kaya ang Lunes ng gabi ang huling pagkakataon mong magpakarga sa lumang presyo — iyon mismo ang dahilan kung bakit may alert ang app na ito.
  4. Miyerkules — opisyal na talaan. Naglalathala ang Department of Energy ng Oil Monitor, ang lingguhang bulletin kung magkano talaga ang naging adjustment. Retrospective ito: hindi babala kundi resibo. Dito galing ang mga numero sa mga talaan sa itaas.

May mga linggong may mid-week adjustment kapag mabilis ang galaw ng world market o kapag may malaking pagbabago sa buwis. Bihira, pero nangyayari — kaya araw-araw ang bantay namin, hindi tuwing Lunes lang.

Gusto mo ng alert bago tumaas? Pinapadala ng Presyo Patrol ang notification Lunes ng gabi — bago pa mag-6:00 AM ng Martes — habang kaya mo pang magpakarga sa lumang presyo. Libre, walang ads, walang sign-up.

Kumuha ng libreng alert

Kada produkto

May sariling pahina ang bawat fuel, kasama ang buong lingguhang talaan mula Enero:

May tanong ka pa? Nasa FAQ ang sagot sa “kailan nagbabago ang presyo”, “ano ang MOPS”, at kung saan mismo galing ang data namin.

In English

This page tracks the weekly fuel price adjustment in the Philippines — gasoline, diesel and kerosene — rendered live from our database. Oil companies announce on Monday afternoon and the new price takes effect at 6:00 AM Tuesday, so Monday night is the last chance to fill up at the old price. A full English version of this page, with the same live figures, is at fuel prices Philippines.