Presyo Patrol Buksan ang app →

Presyo ng diesel sa Pilipinas — Agosto 2026

Bawat lingguhang adjustment ng diesel ngayong 2026, kada litro, mula sa DOE Oil Monitor. 26 adjustment ang naitala hanggang ngayon.

Sa paparating na cycle: +₱3.99–₱4.00/L — estimate pa lang, effective Martes 6:00 AM.

+₱52.85 kada litro mula Enero

Bakit mahalaga ang presyo ng diesel

Ang diesel ang panggatong ng ekonomiya, hindi lang ng mga may sasakyan. Jeepney, bus, delivery truck, bangka ng mangingisda, generator sa mga lugar na madalas mag-brownout — diesel lahat iyan. Kaya kapag tumaas ang diesel, hindi lang pamasahe ang tumataas: dumadaan sa isang trak ang halos lahat ng nasa palengke, kaya sumusunod ang presyo ng bilihin makalipas ang ilang linggo.

Sa PH, ang jeepney ang pinaka-direktang tinatamaan. Isang jeep na kumakarga ng mga 30 litro kada araw ang nakakaramdam agad ng bawat piso: ₱1.00 kada litro na taas ay ₱30 kada araw na nawawala sa boundary, at hindi naman lumalaki ang pamasahe kada Martes.

Ano ang nagpapagalaw sa diesel

Ang benchmark ng diesel ay ang MOPS gasoil quotation — hiwalay ito sa benchmark ng gasolina. Kaya may mga linggong tumataas ang diesel habang bumababa ang gasolina; hindi iyon mali, magkaibang produkto talaga sila sa world market. Tumataas din ang demand sa gasoil tuwing taglamig sa hilagang bahagi ng mundo dahil ginagamit itong panginit, kaya madalas mas magulo ang diesel mula Nobyembre hanggang Pebrero.

Buong talaan ng diesel, 2026

Lahat ng adjustment ngayong 2026, piso kada litro. Martes 6:00 AM ang effectivity maliban kung may mid-week na anunsyo.
PetsaGalawTotal mula EneroPinagmulan
11 Agosto 2026-₱4.30+₱52.85DOE Oil Monitor
4 Agosto 2026-₱0.60+₱57.15DOE Oil Monitor
28 Hulyo 2026+₱7.32+₱57.75DOE Oil Monitor
21 Hulyo 2026+₱10.68+₱50.43DOE Oil Monitor
14 Hulyo 2026+₱4.62+₱39.75DOE Oil Monitor
7 Hulyo 2026+₱3.57+₱35.13DOE Oil Monitor
30 Hunyo 2026+₱0.85+₱31.56DOE Oil Monitor
23 Hunyo 2026-₱9.00+₱30.71DOE Oil Monitor
16 Hunyo 2026-₱3.70+₱39.71DOE Oil Monitor
9 Hunyo 2026+₱5.77+₱43.41DOE Oil Monitor
2 Hunyo 2026-₱9.20+₱37.64DOE Oil Monitor
26 Mayo 2026+₱2.00+₱46.84DOE Oil Monitor
19 Mayo 2026+₱2.82+₱44.84DOE Oil Monitor
12 Mayo 2026-₱9.60+₱42.02DOE Oil Monitor
5 Mayo 2026+₱2.66+₱51.62DOE Oil Monitor
28 Abril 2026-₱12.94+₱48.96DOE Oil Monitor
21 Abril 2026-₱27.95+₱61.90DOE Oil Monitor
14 Abril 2026-₱20.00+₱89.85DOE Oil Monitor
7 Abril 2026+₱19.80+₱109.85DOE Oil Monitor
31 Marso 2026+₱14.00+₱90.05DOE Oil Monitor
24 Marso 2026+₱18.45+₱76.05DOE Oil Monitor
17 Marso 2026+₱52.20+₱57.60DOE Oil Monitor
3 Pebrero 2026+₱1.60+₱5.40DOE Oil Monitor
27 Enero 2026+₱1.40+₱3.80DOE Oil Monitor
20 Enero 2026+₱2.00+₱2.40DOE Oil Monitor
13 Enero 2026+₱0.40+₱0.40DOE Oil Monitor

Ang Total mula Enero ay ang running sum ng lahat ng adjustment sa taon — ito ang numerong sinasagot ng “magkano na ba talaga ang itinaas?”. Ang mga blangkong linggo ay linggong walang inanunsyong pagbabago.

Gusto mo ng alert bago tumaas? Pinapadala ng Presyo Patrol ang notification Lunes ng gabi — bago pa mag-6:00 AM ng Martes — habang kaya mo pang magpakarga sa lumang presyo. Libre, walang ads, walang sign-up.

Kumuha ng libreng alert

Diesel price Philippines, in English

Diesel is the freight and public-transport fuel: jeepneys, buses, trucks, fishing boats and standby generators all run on it, so a diesel adjustment reaches food prices a few weeks after it reaches the pump. It is benchmarked against the MOPS gasoil quotation, which is priced separately from gasoline — that is why the two fuels sometimes move in opposite directions in the same week. Northern-hemisphere heating demand makes diesel the more volatile of the two between November and February.

Iba pang fuel